Monday, March 27, 2006

new fresh start



Finally i did face my demons and made peace with it...so many things happened last year with all have been said and done... nevertheless im ok with it! finito... so its a fresh new start..yup! i did say im sorry for all the things i did fuck up...yup! it did broke my heart..Yup! i did fall for something that i do believe in...but it did not shattered my spirit...needed to say i would give up my life to my friends my family... i would give up my life but not myself...
Sayang lng you gave away the things you loved and one of them was me...tough lost

So here's a story of what happened with my bbaw and me done by her xbf i do amaze how talented he is when writting something...

Minsan may isang paro-paro

Kwento ito na aking nasaksihan...
minsan may isang paruparo...
lumilipad... malungkot... walang buhay... hindi alam kung san tutungo... hanggang makita nyang muli ang isang kaibigan... isang uod na malapit na ding maging paruparo... mula ng mkilala nya ito, nagbago ang lahat...
ang isang paruparong minsan ay lumipad sa kawalan ay nagkaroon ng buhay at pangarap... sasamahan nya at hihintayin ang uod hanggang ito ay maging isang paruparo... pagkatapos, sabay silang lilipad at haharapin ang bukas na walang katiyakan...
Sa paglipas ng panahon, kinailangan ng paruparong umalis upang humanap ng makakain... isa pa, hindi maaaring hindi nya gamitin ang kanyang mga pakpak... mawawalan ito ng silbi... kaya't minsan isang araw, siya'y nagpaalam sa uod na noon naman ay palapit n ng palapit maging paruparo... kahit labag sa kalooban, naghiwalay sila ng landas ngunit pareho nilang taglay ang pangakong magsasamna silang muli...
sa paglipas ng panahon, nalungkot ang paruparo sa paglipad. sa araw araw lagi niyang hinahanap ang uod... kaya't kahit hindi pa napapanahon, nagpasiya siyang balikan ito... higit pa dito, naisip niyang isakripisyo ang kanyang mga pakpak... kanya itong puputulin upang hindi na niya muling maisip iwanan ang uod... aasa na lamang siya na muli itong tutubo kasabay ng sa sa uod... kaya't sa kanyang pagbabalik sa lugar kung saan niya iniwan niya ang uod, walang dalawang isip niyang pinutol ang sariling pakpak. masayang masaya siya sa kanyang desisyon. dahil sa pagkakataong ito, pinili niya ang kanyang minamahal kesa sa kanyang sarili...
ngunit sadyang mahilig atang maglaro ang kapalaran... wala na doon ang uod...
nalungkot ang paruparong ngaun ay wala ng kakayahang lumipad... nag-isip kung nasaan kaya ang kanyang mahal... nag-isip ng maaring dahilan ng pagkawala nito... hanggang sa isang araw, may lumapit sa kanyang paru-paro. isang paruparong bago sa kanyang paningin... nagtataka nitong nilapitan ang estanghera... ito pla ang uod na minsan nilang nakasama... tuluyan na itong nagkaroon ng sarili niyang pakpak... at ngaun ay nagbabalik sa dati nilang tagpuan... ngunit hindi na siya nag-iisa... may kasama siang isang paru-paro... ang minamahal nyang paruparo... gustong umiyak ng paruparong nagputol ng kanyang mga pakpak... at wala itong nagawa kundi tingnan ang uod na kanyang minahal na lumipad palayo gamit ang mga bago nitong pakpak kasama ang ibang paruparo.. gusto man niya itong kausapin, wala siyang magawa. sapagkat ang pakpak na sana'y magagamit niya ay kanyang pinutol sa ngalan ng pag-ibig... masaklap pero kailangan niya tanggapin...
hindi ko alam kung anong nangyari sa paruparong nagputol ng pakpak. sana, hinihiling ko sa lahat ng mga talang paruparo, bigyan nyo sya ng bagong pakpak ng sa gayon ay muli siyang magkaroon ng kakayahang abutin ang pangarp na minsan niyang binitawan... at para sa uod na naging paruparo... sana, sa lahat ng kanyang gagawin, maging masaya siya at payapa... dahil alam ko, ni katiting na galit, hindi nagtanim ang paruparong nagputol ng pakpak... bagkus... patuloy p rin itong naghihintay sa pagbabalik ng kanyang mahal...

Nothing happens by accident....

~trickpa trickyu~



0 Comments:

Post a Comment

<< Home





New Document